Nadagdagan pa ngayon ang mga Pinoy sa Gaza Strip na gustong nang umuwi ng Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng tumutinding kagulugan sa pagitan ng Israeli forces at grupong Hamas.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, umakyat na sa 92 ang mga Pinoy na naninirahan sa Gaza ang gusto nang umuwi ng Pilipinas.
Pero aminado si De Vega na ni-isa sa mga ito ay hindi pa nailalabas sa Gaza dahil sa pagsasara ng hamas sa mga entry at exit point sa lugar.
Una nang sinabi sa interview ng RMN Manila ni De Vega na nagsasagawa na ang Pilipinas ng humanitarian corridor para payagang mailabas ang ating mga kababayan sa Gaza.
Nasa 131 Pinoy ang nasa Gaza Strip ngayon kung saan ilan sa mga ito ay mga nakapag-asawa na doon.
Facebook Comments