Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na umaabot na sa 9 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasugatan sa lindol sa Taiwan sa nakalipas na linggo.
Nilinaw naman ng DMW na light injuries lamang ang tinamo ng mga nasugatan na OFWs.
Ayon sa DMW, nabigyan na ng medical attention ang mga nasugatang pinoy at nagpapagaling na lamang sa kani-kanilang dormitories at accommodations.
Magpapadala rin ang DMW ng six-member augmentation team sa Hualien County at mga karatig na counties para magbigay ng psycho-social at mental wellness support sa 5,000 OFWs doon na naapektuhan ng lindol.
Facebook Comments