Bilang ng mga Pinoy na nasawi sa iba’t ibang kadahilanan noong 2020, umabot sa kalahating milyon – PSA

Naitala sa 515,000 ang bilang ng mga Pilipinong pumanaw noong nakalipas na taon dahil sa ibat ibang kadahilanan.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula January hanggang December 2020.

Mas mababa naman ito sa naitala sa parehong panahon noong 2019 na nasa 568,554 na namatay.


kapansin-pansin ang mataas na bilang ng namatay sa mga buwan ng Hulyo at Agosto.

Pinakamaraming naitalang kaso ng pagkamatay sa National Capital Region (NCR) na aabot sa 76,114 na mas mataas ng 5.6% noong 2019.

Quezon City ang may pinakamaraming namatay noong 2020.

Ang Pateros naman ang may pinakamababang bilang ng namatay.

Facebook Comments