Umakyat na sa 19 ang kabuuang bilang ng nasawing Pinoy sa malawakang wildfire sa Maui, Hawaii matapos na madagdagan pa ng lima.
Ayon sa forensic experts ang 5 Filipino casualties ay natukoy sa pamamagitan ng DNA samples na ibinigay ng mga kamag-anak ng nasawing mga Pinoy sa Federal Bureau of Investigation (FBI).
Ang limang pinoy na napaulat na nasawi ay sina Leticia Constantino, 56, mula Caoayan, Ilocos Sur; Raffy Imperial, 63, mula Naga City, Camarines Sur; Bibiana Tomboc Lutrania, 58, mula Pangasinan; Maurice Buen, kilala bilang “Shadow,” mula sa Ilocos; at Marilou Dias, 60, mula sa Hinunangan, Southern Leyte.
Batay sa kumpirmasyon ng mga kamag-anak at pamilya, nasa 11 pang Filipino at Fil-Am ang nananatiling nawawala.
Samantala, patuloy naman ang paghikayat ng lokal na awtoridad sa Maui sa publiko na i-report kung may mga nawawalang miyembro ng kanilang pamilya.