Bilang ng mga Pinoy na tambay dahil walang hanapbuhay, tumaas

Manila, Philippines – Pumalo sa ng 10.4 milyong Pinoy ang walang trabaho sa second quarter ng 2017.

Base yan sa pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Station.

Pero mas mataas lang ito ng isang porsyento kumpara sa naitalang 21.7 percent o sampung milyong unemployed noong unang bahagi ng taon.


Pero sa kabila nito, nananatiling mataas o nasa 44 percent ang positibong pananaw ng publiko na makakakita sila ng trabaho sa susunod na labing dalawang buwan.

Ang survey ay isinagawa noong Hunyo bente tres hanggang bente sais sa isang libo at dalawang daang respondent, nationwide.

Facebook Comments