Bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa loob at labas ng bansa, umabot na sa 123!

Umabot na sa kabuuang 123 ang mga Filipino na positibong tinamaan ng Coronavirus 2019 o COVID-19 sa loob at labas ng Pilipinas.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Health, kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque III, na mula sa 33 confirmed COVID-19 cases sa bansa, 28 dito ang Filipino.

Pumalo naman sa 95 na mga Pinoy ang kumpirmadong may COVID-19 sa abroad kung saan 80 rito ay mula sa Japan, anim sa Amerika, apat sa Hong Kong, tatlo sa Singapore at dalawa sa UAE.


Inihayag din ni Duque na anim na foreign nationals na may travel history sa Pilipinas ang nagpositibo rin sa COVID-19 pagka-uwi nila sa kanilang mga bansa.

Kasabay ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, target ngayon ng DOH na ma-delay ang epidemic peak nito sa pamamagitan ng social distancing measure.

Facebook Comments