Manila, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga Filipino nawalang trabaho sa first quarter ng 2017, batay sa latest survey ng SocialWeather Station.
Sa survey – bumaba sa 22.9 percent, o katumbas ng 10.4million na Pinoy ang walang trabaho.
Sa resulta ng survey na isinagawa sa fourth quarter ng2016, lumabas na nasa 25.1 percent o 11.2 million pa ang bilang ng mga pinoy nawalang trabaho.
Sa first quarter survey ng 2017, 11.2 percent o 5.1million na adult ang boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 8.6 percent o 3.9million ang nawalan ng trabaho dahil sa personal na dahilan, at 3.1 percent o1.4 million ang mga first time job seeker.
Ipinaliwanag ng SWS na magkaiba ang depinisyon nila sa“joblessness”, sa depinisyon ng gobyerno sa “unemployment”.
Ayon sa SWS, ang kahulugan ng “joblessness” ay mga taongwalang trabaho sa ngayon at naghahanap pa lang ng mapapasukan.
Hindi aniya sakop nito ang mga hindi nagta-trabaho, athindi naghahanap ng trabaho.
Samantala, bumaba din ang bilang ng mga pinoy na umaasangmagkakaroon ng trabaho sa susunod na labindalawang buwan kung saan inatala ang44 percent na pagbaba, kumpara sa 48 percent noong 2016.
Ang survey ay isinagawa ng sws noong March 25 hanggang28, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult respondents sabuong bansa.
Bilang ng mga pinoy na walang trabaho – bumaba, batay sa latest survey ng SWS
Facebook Comments