Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Base sa first quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), ang unemployment rate na lamang ay nasa 19.7% o tinatayang nasa 9.4 million na Pilipino.
Mababa ito kumpara sa 21.1% sa December 2018 survey at 22% noong September 2018.
Ibig sabihin, ang proportion ng Filipino adults sa labor force, na walang trabaho ay bumaba ng dalawang magkasunod na quarter.
Mataas din ang bilang ng mga babaeng walang trabaho na nasa 30% o 6 million adults kaysa sa lalaki na nasa 12% o 3.4 million.
Mas maraming jobless ang age group na 18 hanggang 24 anyos.
Sa depinisyon ng SWS, ang adult joblessness ay ang mga naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, ang mga boluntaryong umalis sa kanilang huling trabaho o ang mga na-retrenched o nawalan ng trabaho dahil sa ilang economic circumstances.
Isinagawa ang survey mula March 28 hanggang 31 sa 1,440 respondents.