Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Hulyo, tumaas – PSA

Inihayag ngayon ng Philippine Statistics Authority o PSA na tumaas ang bilang ng mga walang trabaho noong Hulyo 2024.

Batay sa pagtaya ng Labor Force Participation Survey ng PSA, umabot sa 4.7 percent o 2.38 million ang bilang ng mga walang trabaho noong Hulyo.

Mataas ito sa 3.1 percent noong June 2024 na may 1.62 million na unemployed individuals.


Ayon kay National Statistician USec. Dennis Mapa, National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na unemployment rate na aabot sa 6.5 percent habang pinakamababa sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 2.3 percent.

Naitala naman sa 5.78 million Filipino workers ang maituturing na underemployed o mga naghahanap ng karagdagang trabaho o mapagkakakitaan noong Hulyo, mas mababa ito sa 6.08 million noong Hunyo.

Facebook Comments