Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho o kabuhayan, bumaba noong Hunyo batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistic Authority

Sa ikalawang sunod na buwan, muling nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kabuhayan noong buwan ng Hunyo.

Batay sa resulta ng Labor Force Survey ng Philippine Statistic Authority, bumaba sa 1.95 milyong Pinoy, edad 15 pataas, ang walang trabaho.

Mas mababa ito kumpara sa 2.03 milyong jobless na mga indibidwal noong May 2025.

Dahil dito, nasa 3.7% na lang ang unemployment rate noong Hunyo mula sa 3.9% noong Mayo.

Ibig sabihin, nasa 30 mula sa 1,000 indibidwal ang wala pang kabuhayan o trabaho.

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Divina Ggracia Del Prado, kabilang sa mga walang trabaho ang nasa games and amusement at entertainment sector kung saan posibleng nakaapekto rito ang isyu sa online gambling.

Samantala, bahagya namang tumaas ang employment rate noong June na nasa 96.3% mula sa 96.1% na naitala noong Mayo.

Facebook Comments