Bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumaling sa COVID-19, tumaas ng 2.22%

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nakakarekober sa COVID-19 sa abroad.

Sa tala ng DFA, tumaas ng 2.22% ang bilang ng recoveries sa hanay ng mga Pilipino abroad.

Pinakamaraming naitalang recoveries sa hanay na ito ay mula sa Asia, the Pacific at sa Middle East.


Kinumpirma rin ng DFA na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa Europe.

Sa ngayon, 103 na mga bansa at territories ang may mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments