Bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan ng 5 ngayong araw

5 overseas Filipinos ang bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Wala namang bagong naka-recover at 2 ang bagong binawian ng buhay.

Umaabot na ngayon sa 18,223 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong-dagat na na-infect ng virus.


Ang aktibong kaso naman ay 5,918 at ang kabuuang gumaling na ay 11,181.

Ang kabuuang bilang naman ng mga namatay ay 1,124.

Facebook Comments