Bilang ng mga Pinoy sa Hong Kong na nagkakaroon ng kasong assault, dumadami

Tumataas ngayon ang bilang ng Pinoy workers sa Hong Kong na nasasangkot sa kasong pananakit.

Sa loob ng tatlong araw, dalawang Pinoy ang nilitis sa Hong Kong dahil sa kasong assault.

Kabilang dito ang isang Pinoy construction worker at isang domestic worker na nakasuhan ng pananakit sa Eastern court.


Ang 37 anyos na Pinoy na si Florendo Flores ay nasangkot sa pananakit sa kapwa Pinoy na si June Gordola Abuau.

Samantala, si Maricel Tambaoan ay sinaktan naman ang kapwa Pinay na si Helen Garcia na nagtamo ng sugat sa kaniyang katawan.

Naging dahilan din ito para matanggal sa trabaho si Tambaoan.

Pinaalalahanan naman ng Konsulada ng Pilipinas ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong na maging kalmado para makaiwas sa gulo.

Facebook Comments