
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na umabot na sa 140 Filipino ang nawalan ng tirahan matapos tamaan ng missile ang kanilang tahanan.
Ayon sa embahada, nailipat na ang 125 sa temporary housing accommodations at Department of Migrant Workers (DMW) shelters habang ang 15 ay pinoproseso para sa resettlement.
Nagpahayag na rin ng voluntary repatriation ang 26 na Overseas Filipino Workers (OFWs) habang 100 Filipino pilgrims at students ang naunang na-repatriate.
Aabot naman sa 75 Filipino ang nag confirm para sa susunod na batch na repatriation ng pamahalaan.
Nanatili pa rin sa alert level 3 ang alert level sa Israel at posibleng ibaba sa alert level 2 kapag nagpatuloy ang maayos na sitwasyon.
Facebook Comments









