Umaabot na sa 15 Filipino ang nahawaan ng COVID-19 na nakabase sa Shanghai, China.
Ayon kay Consul General of the Philippines sa Shanghai na si Josel Ignacio, kabilang sa 15 tinamaan ay ang isang COVID-19 patient na kalalabas lang ng hospital kaya’t muli itong inadmit.
Sinabi ni Ignacio, mismong ang mga Pinoy na nagpositibo sa virus ang siyang nakikipag-ugnayan sa konsulada para ipaalam ang kanilang kalagayan.
Kasalukuyan ng naka-quarantine ang mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 kung saan patuloy sila nakatutok sa sitwasyon ng mga ito.
Nakikipag-ugnayan na rin si Ignacio sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa iba pang karagdagang tulong sa iba ang pinoy na apektado ng paghihigpit ng restriction at ng lockdown sa ibang lugar sa Shanghai.
Dagdag pa ni Ignacio, kanilang sisiguraduhin na magkakaroon ng sapat na pagkain ang ilan nating mga kababayan kung saan aniya, nagkakaroon na ng panic buying ibang lugar sa Shanghai na kasalukuyang tumataas ang kaso ng COVID-19.