Mas madami ang mga naitalang patayan na may kinalaman sa pulitika noong 2018 kumpara noong 2017.
Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) kung saan nabatid na mula sa 19 na kaso na naitala noong 2017 ay umakyat ito sa 38 noong 2018.
Sabi naman ni PNP Spokesman Senior Superintendent Bernard Banac, tumaas ang kaso ng political killings sa bansa dahil sa nalalapit na ang May 2019 midterm elections.
Lumalabas din aniya na karaniwang tumataas ang bilang ng political killings tuwing papalapit na ang eleksyon.
Matatandaan na kabilang sa mga napatay kamakailan ay sina General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote; Trece Martires, Cavite Mayor Alex Lubigan; Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol; Ronda, Cebu Vice Mayor Jonnah John Ungab at Ako Bicol partylist Representative Rodel Batocabe.