Bilang ng mga posisyong posibleng mawala sa gitna ng napag-uusapang rightsizing, depende sa magiging resulta ng pag-aaral ayon sa CSC

Siniguro ng Civil Service Commission (CSC) na isasailalim sa masusing pag-aaral kung ilang mga posisyon sa gobyerno ang posibleng ma-dissolve sa harap ng tinatalakay rightsizing sa pamahalaan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada na magiging depende sa review kung ilan ang posibleng alisin nang posisyon sa pamahalaan.

Pero, ibinahagi ni Lizada ang naging resulta ng naging pag-aaral na isinumite sa National College of Public Administration and Governance na isinagawa noong August 2020.


Lumabas aniya sa isinumiteng working papers kaugnay sa pag-aaral sa Rightsizing Act ng Duterte administration na sa 44,771 positions mula sa 215,233 authorized regular positions ang dapat ng i- dissolve.

Matatandaang nagpahayag na ang Department of Budget and Management (DBM) na posibleng umabot umano sa 2 milyong mga government worker ang maaapektuhan sakaling matuloy ang rightsizing.

Facebook Comments