Dalawampu’t pito (27) pang bilanggo sa Correctional Institute for Women ang nag-positibo sa COVID-19.
Ayon sa Bureau of Corrections (BUCOR), sa 51 inmate na sinuri noong April 21, 27 ang nag-positibo sa virus.
Inilipat na ang mga ito sa NBP quarantine area.
Asymptomatic at maayos ang lagay ng mga preso.
Tiniyak naman ng BUCOR na mabibigyan ng atensyong medikal ang mga ito para hindi lumala ang kanilang sakit.
Sa kabuuan, aabot na sa 47 ang bilang ng mga preso sa ciw na tinamaan ng COVID-19.
Facebook Comments