Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit isandaan ang mga preso na nagsiksikan pa rin sa detention facility ng kontrobersyal na Police Station 4 ng Quezon City.
Ayon kay Police Superintendent Rossel Cejas, station commander ng Police Station 4, mula sa naturang bilang, 92 ang mga lalaki at 30 ang mga babaeng inmates.
Halos nakatayo na dahil sa sobrang siksikan ang detention facility na may kapasidad lamang na 30 male detainees
Mula sa bilang na 123, 62 sa mga ito ay may kinakaharap na kaso kaugnay ng illegal na droga.
31 ay lumabag sa illegal na pag-iingat ng sandata.
Labing isa naman ay inaresto dahil sa paglabag sa mga umiiral na lokal na ordinansa.
Naging kontrobersyal ang Police Station 4 ng QCPD matapos batikusin dahil sa pagkamatay ni Genesis “Tisoy” Agoncillo sa loob ng naturang kanilang detention facility