Umakyat na nga ang bilang ng maliliit at malalaking kompanya sa bansa na isinali na rin ng pamahalaan para makipagkasundo sa AstraZeneca para sa COVID-19 vaccines.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na nasa 240 mga kompanya na ang inaasahang mabibigyan ng COVID-19 vaccines kapag dumating na ang suplay nito sa bansa.
Ayon kay Concepcion, kabuuang 6 na milyong doses ng COVID-19 vaccines ang makukuha ng bansa sa AstraZeneca para sa batch 1 and batch 2.
Ibibigay ito sa 3 milyong katao.
Ang kalahati aniya rito ay para sa mga kawani ng mga kompanyang kasali at ang kalahati nito ay ibibigay nila o donasyon sa gobyerno na ipamamahagi rin sa mga ordinaryong mga Pilipino.
Facebook Comments