Bilang ng mga pribadong sasakyan na pumapasok sa EDSA busway, nabawasan ayon sa I-ACT

Kakaunti na lamang mga mga pribadong sasakyan na nagpupumilit na pumasok sa EDAS Bus Carousel o busway.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT Chief Charlie del Rosario, nasa 100 na lamang na pribadong sasakyan ang lumalabag sa patakaran dahil sa pagpasok sa busway.

Mula aniya ito sa dating 400 mga violator na motorista sa mga nagdaang araw.


Sa ngayon, tuloy ang kanilang panghuhuli.

Ayon kay Del Rosario, ang mga natiketan nilang pribadong motorista ay naendorso sa Land Transportation Office para ganap na maipataw ang hanggang isang libong pisong multa laban sa kanilang ginawang paglabag.

Sinabi pa ni Del Rosario na nakatutok na lamang sila sa bahagi ng EDSA busway na talamak ang pagpasok ng mga pribadong motorista tulad sa northbound direction sa bandang Pasay City, pagtawid sa stop light.

Hindi umano nila maintindihan kung bakit mas gusto pang maabala ng mga motorista na nahuhuli sila sa busway kaysa dumeretso na lamang ng biyahe sa private lane na nakikita naman aniya nilang maluwag at walang trapik.

Facebook Comments