Bilang ng mga provincial bus na dumaan sa interim bus terminal sa Sta. Rosa, laguna Matumal

P2P NOVA/30AUG2016 Passengers board the newly-launched Point to Point bus service from Robinson's Novaliches, Quezon City, to Ayala Ave. in Makati. The service is the latest addition to the DOTC's P2P bus project, which began last year with a TriNoMa-Glorietta service. MB PHOTO/FEDERICO CRUZ

Naging matumal ang bilang ng mga provincial bus na dumaan sa bagong interim bus terminal sa sta. Rosa, laguna Sa pagsisimula ng dry run sa pagbabawal ng ilan sa mga ito sa Edsa.

Karamihan pa naman sa mga nakaabang na masasakyan ng mga pasahero na galing probinsya ay pawang mga van kung saan ibaba sila sa ibat ibang mall sa Metro Manila.

Pero hindi dadaan ang van sa Edsa dahil ipinagbabawal din sila ng MMDA kung saan sa C-5 at Roxas Blvd sila pwedeng dumaan.


Nasa 150 buses kada oras daw ang pwedeng ma-accomodate ng nasabing interim bus terminal pero manual ang operasyon nito.

Lahat ng bus na galing Bicol ay dito sana magbababa at plano din daw itong gamitin ng mga bus na mula Visayas at Mindanao.

Una nang iginiit ng MMDA na ang dry run ay para pag-aralan gamitin ng mga provincial bus mula Norte ng Interim Terminal sa Valenzuela at bus mula Timog ang Interim Terminal sa Sta. Rosa, Laguna at matagal na daw nilang ipinagbabawal ang mga ito na kumuha at magbaba ng pasahero sa kahabaan ng Edsa.

Facebook Comments