Bilang ng mga pulis na ayaw magpabakuna kontra COVID-19, nabawasan pa

40

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na tumatangging magpabakuna.

Batay sa huling datos ng PNP Health Service, nasa 1,496 na lang ang mga pulis na hindi bakunado, kumpara sa 1,700 noong December 8.

Sa bilang na ito, 800 ang may balidong rason, habang 669 ang sadyang ayaw lang.


Una nang inihayag ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na naging kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang ng mga pulis na ayaw magpabakuna matapos na ipatupad ang “no jab, no work” policy ng PNP.

Nilinaw naman ng PNP Chief, na sa ilalim ng polisiya ay ililipat lang sa “low risk” na trabaho ang kanilang mga hindi bakunadong tauhan para sa kanilang sariling kaligtasan.

Sa kasalukuyan ay mahigit 99% na ng PNP ang bakunado, kung saan halos 94.87% ang fully vaccinated, at 4.48% ang naghihintay nalang ng pangalawang dose.



Facebook Comments