Bilang ng mga pulis na inilipat ng pwesto dahil may kamag-anak na tumatakbo sa BSKE, nadagdagan pa

Mula sa 2,800 na mga pulis na inilipat ng pwesto dahil may mga kamag-anak silang tumatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Nadagdagan pa ito ngayon at umaabot na sa 2,956 na mga pulis ang na re-assign ng pwesto.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nagsagawa sila ng survey sa kanilang personnel at dito lumabas ang pangalan ng 2,956 na mga pulis na may mga kaanak na tumatakbo sa BSKE.


Ani Fajardo, layon ng unit re-assignment na maiwasang maka-impluwensya ng mga pulis sa resulta ng halalan.

Sakop ng unit re-assignment ang mga pulis na may tumatakbo hanggang pinsang buo.

Paliwanag ni Fajardo, may basbas ng COMELEC ang ginawa nilang paglilipat ng pwesto ng mga pulis.

Facebook Comments