Bilang ng mga pulis na ipakakalat sa Metro Manila para sa SONA bukas, higit 7,000 na

Dinagdagan pa ang bilang ng mga pulis na ipakakalat sa Metro Manila para sa seguridad ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas na nasa 7,459 na pulis na ang kanilang ide-deploy sa kalakhang Maynila.

Hindi pa kasama rito ang 1,200 MMDA traffic enforcers at 150 tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).


Magde-deploy din ng mga K9 unit ang NCRPO, Philippine Army at Philippine Coast Guard partikular sa paligid ng House of Representatives.

Nagpaalala naman si Sinas sa mga magsasagawa ng kilos-protesta na sumunod sa mga health protocol at tiyaking mayroon silang permit mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Nagpapatuloy pa ang dayalogo ng NCRPO sa mga grupong magsasagawa ng pagkilos bukas.

Facebook Comments