BILANG NG MGA PULIS NA NAGMAMANDO SA MGA CHECKPOINTS SA PANGASINAN, NADAGDAGAN PA

Nadagdagan pa ang mga pulis sa Pangasinan na nakatalaga ngayon sa mga checkpoints kasunod ng election period.

Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office NASA Isang libong pulis na ang nagmamando sa mga COMELEC checkpoints.

Layon nitong matututukan at maiwasan ang anumang kaso ng election-related incidents o violence sa nalalapit na Halalan sa Mayo.

Bagamat nauna nang tiniyak ng COMELEC Region 1 ang pagsasaalang-alang sa karapatan ng mga motorista pagdating sa gagawing pag-inspeksyon, ay hinimok din ng mga awtoridad ang kooperasyon ng mga ito upang maging maayos ang siste ng mga checkpoints.

Iminungkahi ni Pangasinan PPO Provincial Director PCol. Rollyfer Capoquian sa mga pulis ang pagtalima ng mga ito sa ibinabang mga protocol sa kanila at ang pagsasagawa lamang ng ocular inspection.

Inihayag din nito na maaaring ireport ang mga pulis sakaling makita o maranasang may paglabag ang mga ito sa kautusan.

Ayon sa datos ng Pangasinan PPO, mula nitong January 14 hanggang 16, mayroong 11 firearms ang naisurrender, dalawa naman ay deposited habang may 12 na nakumpiska.

Samantala, aasahan ang mas pinaigting na checkpoint sa lalawigan upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments