Bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19, nadagdagan

Patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 1,335.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office kahapon, July 16, 2020, panibagong 37 mga pulis ang nagpositive sa COVID-19.

23 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa NCRPO, anim sa PRO 7, apat nakatalaga sa PNP Special Action Force, dalawa ay mula sa PNP Maritime Group, isa sa PNP CALABARZON at isa Headquarters Service.


Sa bilang ng mga nagpositibo, 565 na ang gumaling na habang inoobserbahan pa ang 640 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 1,391 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman na 9 ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa virus.

Facebook Comments