Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 4,403

26

Umakyat na sa 4,403 ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos madagdagan ng 73 na mga panibagong kaso ng sakit.

Base sa inilabas na datos ng PNP, 3,057 sa nasabing bilang ang naka-rekober habang 16 ang nasawi.

Nasa 757 ang bilang ng mga probable habang 3,067 ang suspected cases.

Facebook Comments