Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 8,505

Nadagdagan pa ng 28 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos ng PNP, umabot na sa 8,505 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 8,010 dito ang nakarekober o gumaling na sa sakit matapos madagdagan ng 36 na bagong recoveries.


Nasa 468 naman ang COVID-19 active cases sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Habang nananatili sa 27 ang COVID-19 related deaths sa PNP.

Facebook Comments