Bilang ng mga pulis sa MPD na tinamaan ng COVID-19, higit 120

Umaabot na sa 124 ang bilang ng mga pulis na nahawaan ng COVID-19 sa Manila Police District (MPD).

Ayon kay MPD Director Pol. Brig. Gen. Leo Francisco, ang nasabing bilang ng mga pulis na nagpositibo sa virus ay resulta ng ginawa nilang contact tracing at swab testing.

Tuloy pa rin naman ang trabaho ng ibang mga pulis kung saan maging ang ilang naka-quarantine na tauhan ng MPD ay hindi rin tumigil sa kanilang mga gawain.


Patuloy naman tinututukan ng pamunuan ng MPD ang kalagayan ng mga pulis nila na tinamaan ng virus na kasalukuyang nagpapagaling sa mga quarantine facilites sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments