Bilang ng mga pulis tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng PNP, nadagdagan ng pito

Umakyat na sa 42,158 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos makapagtala ang PNP Health Service ng pitong pulis na nahawa sa COVID-19.

Nasa 116 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP o yung mga patuloy na nagpapagaling sa virus.


Umakyat naman sa 41,917 ang mga nakarekober sa sakit matapos itong madagdagan ng siyam.

Sa ngayon, nananatili sa 125 ang bilang ng mga nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments