Bilang ng mga pumasa sa isinagawang digital Bar exam, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang bilang ng mga pumasa sa isinagawang kauna-unahang digitalized Bar exam sa bansa.

Ayon kay Supreme Court Justice Marvix Leonen, nasa 8,241 mula 11,402 examinees ang pumasa sa 2020-21 Bar Exam.

Sa nasabing bilang, 14 na Bar takers ang nakakuha ng excellent performance kung saan nakapagtala sila ng mas mataas na grado sa 90%.


Ang 14 na nakakuha ng mataas na grado ay mga nagmula sa UP na may 4 na bilang, tig-dalawa sa Ateneo De Manila University at University of San Carlos at tig-iisa sa Arellano University, Ateneo de Davao, FEU, San Beda, University of Cebu at University of Cordillera.

Ilalabas naman ng Supreme Court ang kumpletong listahan ng mga nakapasa sa nasabing Bar exam mamaya at dito na rin malalan kung sino ang topnotcher at kung saang unibersidad ito nanggaling.

Facebook Comments