Bilang ng mga rebelde na na-neutralisa ng pamahalaan, patuloy na nadadagdagan

Umaabot na sa kabuuang 1,367 mga kasapi ng New People’s Army ang na-neutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula Jan 1 hanggang ngayong Aug. 8, 2024.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa nasabing bilang 1,169 ang sumuko, 101 ang naaresto at 97 ang napatay sa kaliwa’t kanang military operations.

Nasa 751 firearms at 237 anti-personnel mines din ang nakumpiska habang 165 mga kuta ng rebelde ang nasamsam ng mga sundalo.


Samantala, sa kapareho ring panahon, 176 local terrorist group members ang na-neutralisa, 124 ang sumuko, 46 ang nasawi at 6 ang naaresto.

Kabuuang 166 mga armas at 21 anti-personnel mines ang narekober ng pamahalaan habang 10 mga kuta ang nasamsam ng militar.

Kasunod nito, umaapela ang Sandatahang Lakas sa mga natitira pang rebelde na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan.

Facebook Comments