Bilang ng mga reklamo sa mga online transaksyon, dumami ayon sa DTI

Dumami pa ang natatanggap na reklamo ng Department of Trade and Industry (DTI) mula sa mga online transactions sa kasagsagan ng community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, mula sa 985 online complaints na kanilang natanggap bago ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), umakyat pa ito sa 8,059 sa mga buwan ng Abril hanggang Mayo.

Kabilang sa mga reklamo ang defective products, deceptive sales, poor customer service, sales promo at mga may kinalaman sa paglabag sa Price Act partikular sa overpricing ng mga face mask at alcohol.


Facebook Comments