Bilang ng mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Taal, umabot na sa higit 200K

Umabot na sa higit 200,000 residente sa Batangas, Quezon, Laguna, at Cavite naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 50,599 na pamilya o 203,763 na indibidwal ang apektado.

Mula sa nasabing bilang, nasa 26,767 na pamilya o 104,377 na residente ang nananatili sa 408 evacuation centers.


Nasa apat na road sections ang hindi madaanan dahil sa lockdown.

Kabuoang 643 domestic at international flights ang nakansela dahil sa ash fall mula sa Bulkang Taal.

Umabot naman sa 3.06 billion pesos ang iniwang pinsala sa agrikultura.

Ang Batangas, Cavite at Tagaytay City ay nasa ilalim ng state of calamity.

Facebook Comments