Bilang ng mga residenteng nakakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila, patuloy na tumataas

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Base sa inilabas na datos ng Manila Health Department, umaabot na sa 23,938 ang bilang ng nakakarekober na mga residente ng lungsod habang bumaba naman sa 295 ang bilang aktibong kaso sa lungsod.

Nananatili pa rin sa 750 ang bilang ng nasawi kung saan umabot ng 24, 983 ang kumpirmadong kaso.


Nangunguna sa dami ng aktibong kaso ng COVID-19 ay ang Sampaloc district na may 50 ang bilang, sinundan ng Malate na may 47; 46 sa Tondo-District 1 at 30 naman sa Tondo-District 2.

Samantala, umaabot naman na sa 60,053 ang kabuuang bilang ng sumalang sa libreng swab test ng lokal na pamahalaan na isinasagawa sa anim na district hospital sa lungsod at ng Manila Health Department.

Facebook Comments