Bilang ng mga sabungerong nawawala na iniimbestigahan ng PNP, umakyat na sa 20

Bukod sa sampung sabungerong nawawala mula sa Laguna at Maynila, may sampung sabungero pa na nawawala mula sa Bulacan na iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, pinapaigting na ngayon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang imbestigasyon sa mga nawawalang indibidwal.

Batay sa impormasyong natanggap, mahigit walong buwan nang nawawala ang sampung sabungero sa Bulacan at nanggaling din umano sila sa kaparehong cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna na pinuntahan din ng ibang sabungerong nawawala.


Nabatid na unang napaulat ang apat na sabungerong nawawala sa Sta. Cruz noong January 13.

Kasunod ng isa pang insidente ng anim na sabungerong nawala sa Maynila sa kapareho ring araw.

Paliwanag ni PNP chief, sinisilip na nila ang pattern sa insidente.

Iniimbestigahan din nila kung may sindikato nga ba sa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Facebook Comments