Bilang ng mga sanggol na ipinapanganak ngayong lockdown, inaasahang tataas pa sa unang anim na buwan ng 2021

Inaasahang lolobo pa sa unang anim na buwan ng taong 2021 ang bilang ng mga sanggol na ipinapanganak ngayong may lockdown sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Commission on Population and Development (POPCOM) Director Undersecretary Juan Perez, ang lockdown pregnancies ay itataas ang bilang ng panganganak sa pagitan ng Enero at Setyembre.

Sa susunod na anim hanggang siyam na buwan, makikita na ang epekto ng COVID-19 sa bilang ng mga ipinapanganak.


Umaasa si Perez na magno-normal ang sitwasyon sa ikalawang kwarter ng taon para hindi na ito lumagpas pa ng Setyembre.

Aminado ang POPCOM na dahil sa lockdown, nahihirapan ang mga tao na mag-avail ng family planning services.

Una nang sinabi ng POPCOM na posibleng umabot sa 110.8 million pesos ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon.

Facebook Comments