Inaasahan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tataas ng 10 hanggang 20 porsyento ang volume o dami ng sasakyan sa Metro Manila ngayong holiday season.
Ayon kay MMDA Spokesperson Atty. Melissa Carunungan, sa pinakahuli nilang survey nitong Nobyembre 10, 2022, umabot na sa 398,000 na mga sasakyan ang bumabagtas sa mga pangunahing kalsada kada araw sa Metro Manila.
Ito ay halos kapalit na aniya ng dating bilang noong pre-pandemic na nasa 400,000 na mga sasakyan kada araw.
Dahil sa inaasahang trapiko, tiniyak ni Carunungan na magpapakalat ang MMDA ng mas maraming bilang ng mga traffic enforcer sa mga lugar na may matinding volume ng mga sasakyan.
“So everyday po, per shift of the MMDA are from 6 to 2PM at 2 to 10PM. There is always around 900 to 1,000 traffic enforcer on major thoroughfares. Ang ginagawa po ni Atty. Victor Maria Nuñez, Director ng Traffic Discipline Office is, he allocates naman po base on decongested areas. So, it’s a matter of allocation lang po of our traffic enforcer.”