Bilang ng mga sasakyan sa Metro Manila noong nakaraang taon, tumaas ayon sa MMDA

Lalo pang nadagdagan ang volume ng mga sasakyan sa Metro Manila nitong nakaraang taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Batay sa datos ng ahensya, umakyat sa humigit-kumulang 3.8 milyong sasakyan kada araw ang lumalabas sa buong Metro Manila, mula sa 3.6 milyon noong nakaraang taon.

Ibig sabihin, may dagdag na 200,000 sasakyan, na ayon sa MMDA ay direktang nakaaapekto sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, patuloy ang kanilang koordinasyon ni MMDA General Manager Nicolas Torre III dahil kinakailangan pa rin ng karagdagang traffic adjustments sa kabila ng patuloy na pagtaas ng volume ng sasakyan.

Dagdag pa ng ahensya, ang karagdagang 200,000 sasakyan ay patuloy na naglalagay ng pressure sa kasalukuyang road network ng Metro Manila, kaya’t pinaghahandaan na nila ang mas maayos at mas epektibong pamamahala ng trapiko sa buong rehiyon.

Facebook Comments