Nakakakita ng pagbaba sa bilang ng mga sasakyan na bumabaybay sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) kada araw, kasabay ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na mula sa 417,000 na sasakyan noong May 5 ay bumaba aniya ito sa 392,000 nitong June 9.
Habang nito lamang isang araw ay bumaba pa ito sa 390,000.
Kaugnay nito, sinabi ni Artes na wala pa silang plano o nakikitang pangangailangan sa kasalukuyan na magpatupad ng bagong number coding scheme.
Ngayong nababawasan pa aniya ang mga bumabyaheng sasakyan sa kalsada, magpapatuloy lamang ang kasalukuyang number coding scheme.
Ipinauubaya na nila sa susunod na administrasyon ang desisyon kung sa tingin nila ay dapat magpatupad ng panibagong number coding scheme.