Bilang ng mga sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila, malapit na sa pre-pandemic level

Tumaas na ang bilang ng mga sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila kasabay ng pagbaba sa Alert Level 3 ng buong rehiyon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Romando Artes, malapit na sa target na 405,000 noong pre-pandemic level ang naitalang 398,000 bilang ng mga sasakyan sa kalsada kada araw.

Maayos na rin ang daloy ng trapiko kumpara noong wala pang pandemya, pero nananatili pa rin ang coding scheme.


Pagbabawalan naman simula sa November 15 ang paghuhukay sa mga kalsada upang makaiwas sa pagsikip ng daloy ng trapiko.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng MMDA ang christmas season kung saan inaasahang aabot ng 450,000 hanggang 500,000 kada araw ang maitatalang sasakyan sa kalsada.

Facebook Comments