Bilang ng mga stranded dahil sa bagyong Tisoy, umakyat na sa mahigit 5,000

Umakyat na sa mahigit limang libo ang mga stranded na pasahero sa iba ibang pantalan sa mga lugar na apektado ng Bagyong Tisoy.

Base sa pinakahuling update ng Philippine Coast Guard o PCG kaninang alas-sais ng umaga,kabuuang 5,327 ang mga stranded na pasahero sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol, at Eastern Visayas.

Ayon pa sa PCG, pansamantalang suspendido ang operasyon ng 1,030 rolling cargoes, 51 motorbancas, at 45 vessels.


Habang ang 125 vessels at 19 motorbancas ay pansamantalang nakahimpil dahil sa masamang panahon.

Sinabi ng Coast Guard na patuloy na nakabantay ang mga tauhan nila sa mga pantalan sa mga lalawigang apektado ng bagyo para bantayan ang posibleng pagsasamantala ng mga colorum na motorbanca.

Facebook Comments