Bumaba ang bilang ng mga pasaherong stranded ngayon sa mga pantalan sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong hapon, nasa sa 1,675 na lamang ang bilang ng mga pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan.
Bumaba ito ng halos kalahati kumpara sa naunang naitala kaninang umaga na 3,738.
Sa kasalukuyan, nasa 49 na vessels, 308 rolling cargoes, at 21 motorbancas ang stranded na sasakyang pandagat sa buong bansa.
Habang nasa 34 vessels at 67 motorbancas din ang kasalukuyang nakadaong sa mga pantalan sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, at NCR-Central Luzon.
Samantala, sinabi naman ng PCG na hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin bumabalik ang lahat ng port operations sa bansa.
Facebook Comments