Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Usman.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard – umabot na sa 17,315 ang mga stranded passenger sa mga pantalan na magsisiuwian sana sa kani-kanilang lugar para sa pagsalubong ng bagong taon.
Pinakamarami ay naitala sa mga pantalan sa Bicol region na pumalo sa 6,586.
Sinundan ng mga pantalan sa Eastern Visayas na mayroong 4,091 stranded passengers at ikatlo sa Southern Tagalog na umabot sa 1,770.
May mga stranded ding pasahero sa mga pantalan sa NCR, Central Luzon, Central Visayas, Western Visayas, Southern Visayas at Northern Mindanao.
Hindi naman makabiyahe ang nasa 1,443 rolling cargo, 116 na mga barko at 24 na motorbanca.
Facebook Comments