Bumaba na sa 697 pasahero ang nananatiling mga stranded sa mga pantalan bunsod ng pag-uulan dulot ng Bagyong Egay at Habagat.
Sa datos na inilabas ng Philippine Ports Authority (PPA), 50 ang naitalang stranded sa pantalan sa Bicol habang 64 naman sa Panay/Guimaras.
Pero, tumaas naman ang bilang ng mga pasahero sa Manila North Port Passenger Terminal na umaabot sa 583.
Nabatid na nananatiling stranded ang pasahero sa pantalan dahil sa mga kanseladong biyahe dulot ng masamang panahon.
Kaugnay nito, nagpapaalala ang PPA sa mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa mga concerned shipping line bago pumunta sa pantalan para maiwasan ang anumang abala.
Ang mga stranded na mga pasahero naman ay patuloy na inaalalayan ng mga tauhan ng PPA habang patuloy naman nakabantay ang Philippine Coast Guard (PCG) para masiguro ang seguridad at kaayusan.