Bilang ng mga sumukong Heinous Crime Convicts na napalaya dahil sa GCTA Law, pumalo na sa 2,139!

Handcuffs

Pumalo na sa 2,139 na inmates na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad kahapon.

Ang nasabing bilang ay lagpas sa orihinal na 1,914 sa listahang inilabas ng BuCor.

Ayon kay DOJ Usec.Markk Perete, kasama na rito ang 236 na nasa kustodiya ng PNP na dadalhin sa Bureau of Correction (BuCor) facilities.


Biniberipika at nililinis na rin ng BuCor ang listahan ng mga inmates na dapat sumuko sa mga otoridad.

Una nang ipinaliwanag ng DOJ na posibleng may mga sumuko kahit hindi naman nakagawa ng heinous crime.

Ayon pa kay Perete, dumami ang bilang dahil may mga sumuko rin na kahit pinauwi ay tumangging umalis sa tanggapan ng BuCor hangga’t hindi nabibigyan ng sertipikasyon na hindi na sila tatargetin ng manhunt operation.

Facebook Comments