Manila, Philippines – Umaabot na sa 7,393 ang sumukong miyembro at tagasuporta ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, ito ay batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines mula January 1 hanggang June 12.
Aniya, nasa 79 naman ang napatay ng militar habang 120 ang naaresto.
Paliwanag ni Arevalo, ang pagsuko ng mga ito ay dahil na rin sa pressure mula sa militar gayunman sa tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga rebeldeng nagbabalik loob sa pamahalaan.
Facebook Comments