Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo, higit 58 milyon na

44

Umabot na sa mahigit 58.14 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala ng Johns Hopkins University and Medicine, pumalo na sa kabuuang 58,143,122 ang tinamaan ng sakit sa iba’t ibang bansa.


Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may mahigit 12.08 milyong kaso.

Sinundan ng India na may higit 9.09 milyon na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa higit 6.05 milyon naman ang kaso sa Brazil habang higit 2.17 milyon ang napaulat na kaso sa France.

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,380,436 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.




Nasa 37,214,376 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Facebook Comments