Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa PNP, umakyat na sa mahigit 42,000

Umabot na sa 42,003 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos makapagtala ng panibagong 25 personnel ng PNP ng tinamaan ng COVID-19.

Batay sa datos ng PNP Health Service, 338 sa kabuuang kaso ay aktibo.


Umakyat naman sa 41,542 ang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 25.

Habang sumampa na sa 123 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments